
Panibagong record-breaking na episode ang napanood noong Huwebes (August 10) sa hit murder mystery series na Royal Blood.
Pumalo sa 12.1 percent ang ratings ng episode 39 ng Royal Blood, ang highest-rated episode nito to date.
Talaga namang inabangan ng manonood ang pag-amin ni Marta kay Napoy (Dingdong Dantes) ng mga nalalaman nito tungkol kay Beatrice (Lianne Valentin).
Pagtatapat ni Marta, maaaring may pinatay si Beatrice pero hindi niya alam kung sino ito. Sinabi rin nito kay Napoy na si Beatrice ang nagpaalis sa kanya sa mansyon at dinoble ng huli ang perang ibinigay nito sa kanya.
May katotohanan kaya ang mga sinabing ito ni Marta? Sino kaya ang tinutukoy ni Beatrice na hindi niya sinasadyang patayin? At nasaan na kaya ang dating business partner ni Beatrice na si Sarah?
Patuloy na subaybayan ang maiinit na mga tagpo sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: