
Panibagong nakagugulat na rebelasyon ang nasaksihan sa Royal Blood noong Biyernes, September 1, kung saan nalantad na ang sakit na itinatago ni Margaret--ang pagkakaroon niya ng alopecia.
Kasabay ng rebelasyon na ito ang pagsisimula ng Alopecia Awareness Month ngayong Setyembre. Ang alopecia ay isang kondisyon na nagdudulot ng pagkalagas ng buhok. Maaari nitong maapektuhan ang buhok sa ulo, kilay, o iba pang bahagi ng katawan.
Kasalukuyang mayroong mahigit 9.5 million views sa Facebook ang clip ni Margaret (Rhian Ramos) kung saan nalaman na ng mga tao sa mansyon ang sakit na itinatago nito, matapos na muling magkasagutan at magkapisikalan sila ni Beatrice (Lianne Valentin) dahil sa secret affair ng huli kay Andrew (Dion Ignacio).
Bukod sa mataas na online views, panalo rin sa ratings ang Episode 55 ng Royal Blood na nakakuha ng 12.2 percent, ang pinakamataas nitong ratings to date.
Samantala, sa inilabas na teaser ng Royal Blood ngayong Lunes, September 4, kinailangan ni Margaret na salinan ng dugo matapos nitong pagtangkaang kitlin ang sariling buhay.
Pero matapos ang pagsusuri ng mga doktor, hindi nag-match ang dugo nina Napoy at Kristoff kay Margaret. Dahil dito, naghinala si Kristoff na maaaring hindi nila kapatid si Margaret. Tama kaya ang hinala ni Kristoff na hindi isang Royales si Margaret? Ano kaya ang tunay na relasyon nina Margaret at Cleofe?
Patuloy na subaybayan ang kaabang-abang na mga tagpo sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.