GMA Logo Lianne Valentin
Photo by: GMA Network
What's on TV

Lianne Valentin, mami-miss ang 'bonding as a family' sa 'Royal Blood'

By Aimee Anoc
Published September 18, 2023 5:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Lianne Valentin


Itong 'Royal Blood,' isang memorable na proyekto 'to para sa akin. Hinding hindi ko ito makakalimutan.' - Lianne Valentin

Ito man ang unang pagkakataon na nakasama niya sa isang proyekto ang karamihan sa cast ng Royal Blood, hindi maikakaila ang closeness at magandang samahan na nabuo ni Lianne Valentin sa kanyang co-stars.

Patunay rito ang behind-the-scenes na ibinabahagi niya mula sa set ng Royal Blood kung saan makikita ang kulitan at masasayang moments niya kasama ang cast.

Sa last taping day ng Royal Blood noong September 13, ibinahagi ni Lianne ang pinaka mami-miss niya rito.

"Ang mami-miss ko talaga sa Royal Blood, siyempre 'yung bonding namin dito as a family. Kasi kahit napakagulo or chaotic ng nakikita n'yo onscreen, behind-the-scenes ng lahat ng 'yun is masayang pamilya rito. 'Yun 'yung pinakamami-miss ko, 'yung company ng bawat isa. We treated everyone o lahat talaga pamilya rito kahit anong mangyari," sabi ng aktres.

Dagdag pa niya, "Puro lang kami saya. Oo, may mga times na, siyempre, nakakapagod pero it's more on masaya kami lahat dito."

Isa pa sa hindi malilimutan ni Lianne sa Royal Blood ay ang "creativity" ng bawat isa. Sabi niya, "Kasi I believe talagang dito kami nag-grow."

"Ako, personally, nag-grow when it comes to my craft. Lahat kami nagtulungan, nag-collaborative work lahat talaga rito. Itong proyektong ito, itong Royal Blood, [ang] masasabi ko rito isang memorable na proyekto 'to para sa akin. Hinding hindi ko ito makakalimutan."

Sa hit murder mystery series, napapanood si Lianne bilang Beatrice, ang materialistic at superficial na bunsong anak ni Gustavo Royales.

Ilan sa mga aktor na kasama ni Lianne sa Royal Blood ay sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Megan Young, Mikael Daez, Rhian Ramos, Dion Ignacio, at Rabiya Mateo.

Patuloy na subaybayan si Lianne sa huling linggo ng Royal Blood, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NI LIANNE VALENTIN SA SET NG ROYAL BLOOD DITO: