'Royal Blood' viewers, napabilib sa husay sa pag-arte ni Mikael Daez bilang Kristoff
Umaani ngayon ng papuri mula sa manonood si Mikael Daez dahil sa "convincing at perfect" na pagganap nito bilang Kristoff Royales sa Royal Blood.
Marami ang nadala sa maiinit na mga eksena ni Mikael kasama sina Megan Young, Rhian Ramos, Lianne Valentin, at Dingdong Dantes sa episode 65 ng Royal Blood na napanood noong Biyernes (September 15) kung saan nabunyag na sa magkakapatid na si Kristoff mismo ang pumatay sa kanilang inang si Victoria.
Sa pagpigil ni Kristoff kay Diana (Megan) sa pag-alis nito sa mansyon, ibinunyag na rin ni Diana na si Kristoff ang may kagagawan noon ng nangyaring pag-ambush kay Gustavo (Tirso Cruz III). Dahil sa mga rebelasyong ito, hinala ng lahat na maaaring si Kristoff ang tunay na salarin sa pagkamatay ni Gustavo.
Nag-trend sa Twitter Philippines ang hashtag ng episode 65 na "RBTheBlameGame" at ang hashtag "Royal Blood." Gayundin, ang mga karakter na sina "Kristoff," "Diana," at "Gustavo."
Bukod sa trending, humataw rin sa ratings ang episode na ito ng hit murder mystery series na pumalo sa 12.1 percent base sa Nutam People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Tama kaya ang hinala ni Napoy na si Kristoff ang pumatay kay Gustavo? Ang kasagutan, malalaman na ngayong Lunes sa Royal Blood, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.
NARITO ANG ILANG HULA NG NETIZENS KUNG SINO ANG TUNAY NA PUMATAY KAY GUSTAVO ROYALES: