GMA Logo Dion Ignacio
What's on TV

Dion Ignacio, mami-miss ang kulitan sa set ng 'Royal Blood'

By Aimee Anoc
Published September 20, 2023 2:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, rain over parts of PH on first day of 2026 — PAGASA
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Dion Ignacio


Dion Ignacio maraming mami-miss sa 'Royal Blood' set at cast.

Hindi maikakaila na isa si Andrew Castor, na ginagampanan ni Dion Ignacio, sa mga tumatak na karakter sa hit murder mystery series na Royal Blood.

Sa last taping day ng Royal Blood noong September 13, ipinarating ng Sparkle actor ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga sumubaybay mula simula hanggang sa nalalapit na pagtatapos ng serye.

"Buong puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng nanood, sumubaybay mula umpisa hanggang dulo ng 'Royal Blood.' Especially, mga Royalistas natin, maraming-maraming salamat po sa walang sawang pagsuporta at pagtutok n'yo sa Royal Blood," sabi ni Dion.

Pagpapatuloy niya, "Talagang hinabaan n'yo 'yung pasensya n'yo hanggang sa dulo para malaman kung sino 'yung pumatay at hindi kayo bumitaw kaya maraming-maraming salamat po."

Ibinahagi rin ng aktor ang mga hindi niya malilimutan sa set ng 'Royal Blood.' Aniya, "Ako siyempre mami-miss ko 'yung parang routine na namin--every Monday, Wednesday, at tsaka Friday na nagkikita-kita kami rito sa set.

"Mami-miss ko 'yung bonding, 'yung kulitan, at siyempre 'yung pagtatrabaho namin dito. Mami-miss ko 'yung buong cast. Sana soon magkatrabaho ulit kami."

Ilan sa mga aktor na kasama ni Dion sa Royal Blood ay sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Megan Young, Mikael Daez, Rhian Ramos, Lianne Valentin, at Rabiya Mateo.

Noong Martes (September 19) sa Royal Blood, nang makita ni Andrew si Margaret (Rhian) na makukulong, agad nitong inako ang kasalanan ng asawa at sinabi sa mga pulis na hindi lang niya sinaksak si Gustavo (Tirso Cruz III) kung hindi ay siya rin ang naglason dito.

Pilit niyang pinakiusapan ang mga pulis na pakawalan si Margaret hanggang sa bumunot ito ng baril mula sa katabing pulis at sa pakikipag-agawan ay nabaril nito ang sarili.

Patuloy na subaybayan ang mga kapana-panabik na mga tagpo sa huling tatlong gabi ng Royal Blood, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

BALIKAN ANG PAG-AMIN NI MARGARET SA PAGPATAY KAY GUSTAVO RITO: