Who is Atty. Arona Santiago of 'Royal Blood' in real life?

Kinagigiliwan ngayon ng Royal Blood viewers ang bagong lawyer ng Familia Royales na si Atty. Arona Santiago.
Unang napanood si Atty. Santiago sa episode 28 ng Royal Blood na umere noong July 26 sa GMA Telebabad. Agad nitong na-hook ang manonood sa palaban nitong karakter. Ani ng netizen na si Joshabel, "May katapat na si Beatrice sa kamalditahan."
"Super taray ng [attorney]. Napatiklop at natameme si [Beatrice]," sabi ni @olerieichihara. "'Yung abogada talaga ganap na ganap," komento naman ni @malriego6740.
Pero, sino nga ba si Atty. Arona Santiago ng Royal Blood? Alam ba ninyo na isa rin siyang abogado sa totoong buhay. Mas kilalanin siya sa gallery na ito:









