Trending ang naging performance ni Rabiya Mateo sa hit murder mystery series na Royal Blood noong Huwebes (September 14).
Umani ng papuri mula sa Royal Blood viewers ang "promising" at "magaling" na pagganap ni Rabiya sa karakter ni Tasha. Dalang-dala rin ang manonood sa emosyon na ipinakita niya sa episode 64 ng Royal Blood kung saan inamin na nina Napoy (Dingdong Dantes) at Diana (Megan Young) ang dati nilang relasyon.
Sa kabila ng paliwanag ni Napoy na wala nang namamagitan sa kanila ni Diana, hiniling ni Tasha sa huli na siya na muna ang pakinggan nito dahil noon pa man ay siya na ang palagi nitong inuuna. Ipinarating ni Tasha kung paano niya ibinigay at ginawa ang lahat para lang mahalin ni Napoy.
Kahit na sinabi sa kanya ni Napoy na mahal siya nito, pero para kay Tasha ito ay dahil wala lamang itong mapagpipilian. Tinanggap na rin ni Tasha na pangatlo lamang siya sa puso ni Napoy dahil kay Diana at tuluyan nang nakipaghiwalay sa huli.
Humataw sa ratings and episode na ito ng Royal Blood na pumalo sa 11.0 percent base sa sa Nutam People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Basahin ang ilang papuring natanggap ni Rabiya sa Royal Blood viewers sa gallery na ito:
Dahil sa epektibong pagganap ni Rabiya Mateo bilang Tasha sa Royal Blood, nakita ni @EmpressKxxx ang potensyal ni Miss Universe Philippines 2020 na maging isang "versatile actress."
Humanga rin sina @DiongLolit at @kapusongkim sa husay na ipinakita ni Rabiya Mateo sa Royal Blood. Sabi niya, "I saw Rabiya Mateo's potential. Magaling siyang umarte. Praying na mabigyan ka pa ng maraming projects ng GMA."
"Applaud to Rabiya Mateo on her first teleserye. Galing din bagay sa kanya 'yung role!" sabi ni @ChikaBeki.
"Promising" naman ang nasabi ni @jaciebell21 sa naging performance ni Rabiya Mateo sa Royal Blood.
Nag-trend sa Twitter Philippines ang character name ni Rabiya Mateo sa Royal Blood noong Huwebes (September 14).
Ayon kay @AltheyuhMoves, "top-notch" ang naging mga linyahan ni Tasha sa episode 64 ng Royal Blood kung saan nalaman na nito ang dating relasyon na mayroon sina Napoy at Diana.
Natuwa at nasaktan si @Jshbl_ para kay Tasha sa episode 64 ng Royal Blood. Sabi niya, "Indeed! Natuwa ako rito kay Tasha pero at the same time, nasaktan. Ang effective kasi ni Rabiya. Nice one, Tasha. Know your worth."
Ayon kay @godfreyivan, kuhang-kuha ni Tasha ang inis niya. "Pero si Tasha, 'di ikaw Rabiya. I love you, Byang!"
Pinuri rin ni Arnold Tuazon ang mahusay na pagganap ni Rabiya Mateo bilang Tasha sa Royal Blood.
Ayon kay Kaycee Ann Roberto Violenta, "makatotohan" ang naging pag-arte ni Rabiya Mateo sa mga eksena niya sa Royal Blood.