Killer ni Gustavo, mabubunyag na ngayong Lunes; Netizens, may kanya-kanyang hula!

GMA Logo Royal Blood

Photo Inside Page


Photos

Royal Blood



Ang kasagutan sa tunay na pumatay kay Gustavo Royales, malalaman na ngayong Lunes sa Royal Blood! Sa pinaka inaabangang rebelasyon, may kanya-kanyang hula na ang manonood.

May ilang nagsasabi na maaaring si Anne (Princess Aliyah) ang suspect sa paglason kay Gustavo (Tirso Cruz III) dahil, anila, ito na lang ang hindi napagbibintangan. Mayroon ding mga nagsasabi na maaaring ginamit si Archie (Aidan Veneracion) sa pagpatay kay Gustavo.

Hinala naman ng ilan si Cleofe (Ces Quesada) ang salarin dahil, anila, may mas malalim pa itong galit kay Gustavo. Si Diana (Megan Young) naman ang itinuturong "mastermind" ng ilang manonood.

Hindi rin nakaligtas si Napoy, na pinagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, sa mga pinaghihinalaan ng manonood.

Marami rin ang naghihinala kay Otep (Benjie Paras), na nanguna sa isinagawang suspect poll ng Royal Blood para sa ika-13th week nito.

Ikaw, may final suspect ka na rin ba sa tunay na pumatay kay Gustavo Royales?


Anne
Paghihiganti
Cleofe at Emil
Margaret
Napoy
Kristoff
Diana
Tasha
Louie
Archie

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit