Royal Blood: Behind-the-scenes ng roof scene ni Rhian Ramos

Intense at makapigil-hininga ang ginawang pag-amin ni Margaret (Rhian Ramos) sa pagpatay kay Gustavo Royales sa "Entrapment" at "Killer on the Roof" episodes ng Royal Blood.
Nang mahuli ni Sgt. Masangkay (Geraldine Villamil) ang pagkuha niya ng syringe mula sa kanyang vault, na siyang hinahanap na murder weapon ng mga pulis, agad na tumakas si Margaret at umakyat sa bubungan ng bahay nito.
Dito na niya inamin ang pagpatay kay Gustavo (Tirso Cruz III) sa pamamagitan ng paglason dito.









