Mula simula hanggang sa pagtatapos nito noong Biyernes (September 22), mainit na sinubaybayan ng mga Royalistas ang hit murder mystery series na Royal Blood.
Pasok sa top trending topic sa Twitter/X Philippines ang official hashtag ng finale episode na "RBWatchTillTheVeryEnd" kung saan pinag-usapan ang huling mga pasabog sa Royal Blood.
Sa pagtatapos, nalamang si Diana (Megan Young) ang nagtulak kay Margaret (Rhian Ramos) para ituloy nito ang paglason kay Gustavo (Tirso Cruz III).
Ikinagulat naman ng manonood kung sino ang nagtanggal ng life support ni Diana (Megan Young) habang comatose ito. Walang iba kung hindi si Louie (James Graham), ito ay matapos na malaman niya kay Margaret na hindi si Andrew (Dion Ignacio) ang kasabwat sa pagpatay kay Gustavo kung hindi si Diana.
Dagdag sa mga rebelasyong ito, nalaman na rin na kapatid ni Anne (Princess Aliyah) ang dating business partner ni Beatrice (Lianne Valentin) na si Sarah.
Samantala, si Napoy (Dingdong Dantes) na ang namuno sa Royales Motors at ipinagpatuloy nito ang panunuyo kay Tasha (Rabiya Mateo).
Bukod sa trending, panalo rin sa ratings ang pagtatapos ng Royal Blood na nakakuha ng 12.6 percent, ang pinakamataas nitong ratings.
Basahin dito ang mga papuring natanggap ng Royal Blood sa pagtatapos nito at ang kahilingan ng manonood na magkaroon ito ng season 2:
Pinuri ni @KapusoTalks ang huling mga pasabog sa hit murder mystery series na Royal Blood.
Si Diana (Megan Young) ang nagtulak kay Margaret (Rhian Ramos) para ituloy nito ang paglason kay Gustavo!
Hindi naman naiwasang humanga ni @AltheyuhMoves sa husay ng mga eksena nina Rhian Ramos at Megan Young.
Maraming manonood ang humihiling na magkaroon ng season 2 ang Royal Blood at isa na rito si @AltheyuhMoves.
Hiling din ni @carmel96_ ang pagkakaroon ng season 2 ng Royal Blood. Sabi niya, "I demand season 2 of this amazing show! Thank you, pamilyang Royales!"
Nakakuha ng mahigit 45,000 views ang livestream ng finale episode ng Royal Blood sa YouTube channel ng GMA Network.
"The Royalistas are crying out for second season. If it's not too much to ask, bring [Royal Blood] to Netflix!" hiling ng netizen na si @halobeava.
Itinuturing ni @luntiannn na isang "masterpiece" ang hit murder mystery series na Royal Blood. Dagdag niya, "Mami-miss ko 'yung mag-isip ng theory every week. Kudos to all the staff and cast of RB! Galing!"
Ipinarating ni @kapusongkim kung gaano niya mami-miss ang Familia Royales. Aniya, "Gonna miss this family so much. Thank you for making our weeknights exciting! Definitely among the best Kapuso teleseryes this year. Congratulations, everyone!"
"Ngayon @gmanetwork @GMADrama sabihin niyo sa amin pa'no kami magmo-move on sa Royal Blood? Waiting kami sa announcement ng season 2 utang na loob ibigay na sa 'min 'yan," hiling ni @BD_Serendipity sa pagtatapos ng Royal Blood.