advertisement
TV

RJ Nuevas reveals deleted storylines of 'Royal Blood'; Archie could have been the killer

1 of 7

Sakit na alopecia

Kuwento ni RJ Nuevas, bago pa man ang media conference ng Royal Blood noong Hunyo ay naisip na niya kung sino sa mga karakter ang babagay na magkaroon ng sakit na alopecia.

"Nagsisimula pa lang kami... even before the mediacon, biglang pumasok nga sa akin na 'the alopecia thing.' Sabi ko, 'Sino kaya magandang may alopecia?' Tapos naisip ko si Margaret kasi siya ang sosyal, ganyan. During the mediacon, ipinagpaalam ko [kay Rhian Ramos], 'Gusto mo bang may alopecia ka?' She said, 'Yes.' [If] she said no ililipat ko 'yun sa iba."

2 of 7

Killer ni Gustavo

Ang isa sa nabago sa storylines ng Royal Blood ay kung sino ang pumatay kay Gustavo Royales.

"Ang isa pa sa original na twist, ang original na twist ay si Archie accidentally [killer]. Accidentally siya ang makakapaglagay ng coolant because the coolant na gawa sa ice cube, tapos 'yung ice cube nalagay sa wine. Pero bago 'yun magugulat na lang ang lahat because you will admit killing Gustavo because you will learned that Archie [is the one]. So originally iyon 'yun," kuwento ni RJ Nuevas.

Nabunyag sa finale week ng Royal Blood na si Margaret (Rhian Ramos) ang lumason kay Gustavo at kasabwat nito sa krimen si Diana (Megan Young).

3 of 7

Backstory ni Kristoff

Isa naman sa hindi natuloy sa storylines ng Royal Blood ay ang backstory ni Kristoff Royales, na ginampanan ni Mikael Daez.

Kuwento ni RJ Nuevas, "You were supposed to have a backstory. Pero noong elementary o high school ka you had a best friend na lalaki. Sa buong buhay mo siya lang ang naging kaibigan mo. Pero matalino siya, natatalo ka niya. Sabi ni Gustavo, 'Hindi ka pwedeng matalo kailangang matalo mo 'yang bestfriend mo na 'yan.

"Sa isang Science experiment you did something na naaksidente 'yung kaibigan mo at alam ng kaibigan mo na sinadya mo, galit na galit sa 'yo. You lost a friend, iyak ka ng iyak. After that, you never had a friend anymore until dumating [si Diana]. Siya ang kaibigan mo."

advertisement
4 of 7

Truth about Diana

Ibinahagi rin RJ Nuevas ang mga dahilan sa pagpasok ni Diana sa Familia Royales.

"Ang mga malalaman about you ay anak ka ni Avelino na namatay dahil naghirap, dahil may ginawa si Gustavo sa kumpanya nila. Mayroon tayong isang eksenang ganu'n.

"Pero ang mga nawala is 'yung unti-unting malalaman na 'yun ang secret mo at itinatago mo siya dahil natatakot ka kapag nalaman 'yun magiging suspect ka kasi that is a good motive. Tapos ang makakaalam pa ay si Margaret, so may mga major confrontations about that sana."

5 of 7

Love triangle

Isa pa sa nawalang eksena sa Royal Blood ay ang tungkol sa love triangle nina Diana, Tasha, at Napoy.

Sabi ni RJ Nuevas kay Megan Young, "At isa pang nawalang scene... mayroon kaming naiisip na magandang scene 'yung tungkol sa love triangle ninyo, hindi ko alam kung sa rooftop or sa cliff... pareho kayong nahuhulog at hindi alam ni Napoy (Dingdong Dantes) kung sino ililigtas niya.

"Tapos ang isa sa pinag-isipan namin, alam mong mahal na mahal ni Tasha (Rabiya Mateo) si Napoy kaya ikaw ang kakalas, ikaw ang mahuhulog. Or ang choice is dahil si Tasha ay alam na ikaw ang mahal talaga ni Napoy, siya naman ang maggi-give way at siya ang mahuhulog."

6 of 7

Mamamatay si Otep

Isa pa sa hindi natuloy na storylines sa Royal Blood ay ang pagkamatay ni Otep (Benjie Paras).

Kuwento ni RJ Nuevas, "Isa pa, dapat mamatay si Otep. Dapat siya 'yung tumatawag na 'Napoy, alam ko na kung sino ang pumatay, ganyan.' Tapos kausap si Napoy, nakarinig siya ng [sunod-sunod na putok ng baril].

"Akala niya nirarat na siya, 'Otep, Otep, anong nangyari sa 'yo?' Ayon pala sa katabi ni Otep may naglalaro ng lato-lato. Pero, ang sabi niya, 'Hindi may naglalaro lang ng lato-lato.' 'Ah! Akala ko binaril ka na.' Tapos, 'Pak!' May bumaril talaga sa kanya."

advertisement
7 of 7

Royal Blood

Natutuwa naman si RJ Nuevas sa reaksyon ng manonood sa tuwing gumagawa sila ng "quick misdirection" kung saan napapaniwala nila ang manonood. Tulad na lamang nang inakala ng lahat na mag-ina sina Cleofe (Ces Quesada) at Margaret (Rhian Ramos) pero ang katotohanan ay si Emil (Arthur Solinap) ang anak ni Cleofe.