
All out ang performance ng Running Man Philippines cast members sa All-Out Sundays ngayong hapon, January 7.
Talagang toda max ang level ng energy nina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos at Angel Guardian sa song and dance number nila sa high-rating musical variety show.
Matapos ang kanilang performance, dito inanunsyo ni Mikael na next week ay lilipad na sila papuntang South Korea para sa season two ng kanilang show na tinawag pa niyang isang “winter edition.”
Sabi niya, “Sasabog sa lamig ang katawan ni Buboy, kasi next week pupunta na kami sa South Korea, dahil Winter edition ang season two ng Running Man Philippines.
“Mas exciting, pero mas challenging itong season two kasi lahat ng mission ay gagawin namin sa napakalamig na panahon.”
RELATED CONTENT: VIRAL VIDEOS OF RUNNING MAN PH IN 2022:
Ipinaliwanag din ni Mikael na hindi nila makakasama ang cast member na si Ruru Madrid, dahil ongoing pa ang taping niya sa primetime series na Black Rider. Pero magkakaroon pa rin ng special participation ang Kapuso hunk sa mga darating na kaganapan.
Bukod pa diyan, may special announcement din ang Running Man Philippines na dapat abangan ng Pinoy Runners.
“Hindi namin makakasama si Ruru [Madrid] sa buong season two, kasi ongoing pa 'yung shoot niya for Black Rider. Pero hindi naman siya aalis sa show, Runner pa rin siya forever!” saad ni Mikael.
Dagdag niya, “Kaya may special participation din si Ruru sa [season two]. Abangan n'yo yan, dahil madadagdagan pa ng isang Runner… Oy! Sino yan?”
Source: GMA NETWORK
Para naman sa tinaguriang Boss G ng grupo na si Glaiza de Castro na kahit magiging mahirap ang sumabak sa challenges at missions dahil sa sobrang lamig, makakaasa ang fans na kakayanin nila ang lahat para maipakita ang ganda ng winter season sa Korea.
Ani Glaiza, “'Yung lamig tipong hindi papawisan si Buboy magye-yelo 'yung pawis niya, kasi below zero degrees nagso-snow pa minsan, kasi na-experience ko na rin 'yung Winter sa South Korea before at ang hirap talagang gumalaw, dahil sa sobrang lamig.
“Pero, siyempre kakayanin namin lahat dahil masaya rin makita ang winter ng mga Kapuso natin dito sa Pilipinas.”