GMA Logo Gym day for the Runners
Source: glaizaredux (IG)
What's on TV

'Running Man PH' Runners share bonding moments in the gym

By Aedrianne Acar
Published February 2, 2024 11:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Some Mayon evacuees getting sick as centers fill up amid volcanic unrest
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE
Manifest success in 2026 with these 5 Gemini prompts

Article Inside Page


Showbiz News

Gym day for the Runners


Paano naghahanda ang Runners sa grueling challenges at missions nila para sa season two ng hit reality show?

Mahalaga na fit and healthy ang cast ng Running Man Philippines para sa matitinding missions at challenges na kakaharapin nila sa South Korea.

Sa katunayan, nagiging bonding moment na rin ito ng Runners.

Makikita sa Instagram post ni Glaiza De Castro last January 31 ang isang gym session nilang lahat.

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez)

Ibinahagi naman ni Mikael Daez sa kaniyang post na sa unang linggo nila sa Seoul, nagkaroon sila ng impromptu planking competition habang nagwo-work out. At ang prize sa mananalo ay libreng dinner!

Kuwento ng Kapuso actor sa Instagram, “On our first week in Seoul, biglang nagkitakita kaming lahat sa gym. Ayan tuloy, nagkaroon kami ng impromptu planking competition!! Ang winner, ililibre namin ng dinner… warm up na rin siguro para sa mga actual missions namin on Running Man PH… Abangan ang susunod na gym challenge namin. Syempre kasama na si Miguel duon (when we filmed this, di pa siya rinereveal as the 8th runner…”

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez)

Naunang sinabi ni Boss G sa Kapuso ArtisTambayan na kailangan nilang tutukan ang pag-e-ehersisyo, lalo na at kalaban din nila ang malamig na panahon sa Korea na nasa gitna ng winter season.

Lahad niya, “Hindi po talaga maiiwasan na hindi maghanda, kasi even here kagagaling lang natin ng gym 'di ba. Naghahanda pa rin kami even pag nandito kami. Kasi, mahirap magkasakit. Ang lamig ng panahon, 'tapos physical pa 'yung ginagawa namin. So, kahit minsan nakakatamad dahil ang lamig, pero pinipilit pa rin namin 'yung sarili namin na mag-work out.”

Ipinakilala noong January 23 sa Fast Talk with Boy Abunda na ang Sparkle heartthrob na si Miguel Tanfelix ang pinakabagong Runner sa season two ng hit reality show.

RELATED CONTENT: RUNNERS ENJOYING THE COLD WEATHER IN KOREA