
May pasilip ang GMA Network para sa entertainment press na dumalo sa 'Best Time Ever' media conference para sa much-awaited reality game show na Running Man Philippines.
Sa idinaos na grand event ngayong Biyernes ng hapon, March 15, opisyal na kinumpirma ng GMA-7 na ipalalabas ang pilot episode ng show sa darating na May 11. Dumalo sa media conference sina Mikael Daez, Kokoy de Santos, at Buboy Villar.
Ayon kay Mikael, malaki ang pagkakaiba ng season two kumpara sa season one ng show na umere noong 2022.
Kuwento ng versatile actor sa panel interview, “Ngayon kasi close na kami talagang 'yung friendship namin literal na close na talaga kami. 'Yung friendship namin talagang nag-solidify na siya and 'yun 'yung lumabas e. So, iba kasi 'yung nagiging joke, comedy at mga sitwasyon na lumalabas kapag komportable na kayo sa isa't isa.”
Tiyak naman daw aabangan ng Pinoy Runners ang mga guest na mapapanood sa brand-new season sabi ni Buboy Villar.
“Maganda po memories mero'n po kaming mga guest, kasi hindi po namin inexpect 'yung mga pangyayari,” ani ng Kapuso comedian.
“Hindi ko po masasabi sa inyo, pero gustung-gusto namin ipalabas 'tong Running Man Philippines kasi sobrang nakaka-proud bilang isang artista rito sa Pilipinas na maranasan po 'yung ganung pangyayari.”
Napahanga din si Mikael sa bago nilang Runner na si Miguel Tanfelix na “swak” daw agad sa kanilang family.
Paliwanag ni Mikael, “In fairness kay Miguel, sobrang nag-enjoy kami at talagang walang problema with Miguel jumping in with all of us. Swak agad, kaya nakakatuwa, mararamdaman n'yo 'yun first episode pa lang makikita n'yo na 'yun.”
Para sa more exclusive content and videos about Running Man Philippines, please visit the YouLOL showpage in GMANetwork.com.
RELATED CONTENT: RUNNERS ENJOY THE WINTER SEASON IN SOUTH KOREA