GMA Logo Buboy Villar at Kokoy de Santos
Source: Running Man PH & GMA Network
What's on TV

Running Man Philippines: 'Kiss' nina Buboy Villar at Kokoy de Santos, trending!

By Aedrianne Acar
Published May 21, 2024 1:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

19 areas under Signal No. 1 as Wilma approaches Samar Island
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar at Kokoy de Santos


Huli on cam ang nakakatawang moment ng team leaders ng Team BK at Team KK sa 'Tumbang Tao' game ng 'Running Man Philippines'.

Naging laugh trip ang sana'y intense game sa pagitan nina Buboy Villar at Kokoy de Santos sa "Tumbang Tao" game sa episode ng Running Man Philippines nitong May 19.

Tumayong team leader ang dalawa ng Team BK at Team KK sa "Winter RM Olympic Race" na idinaos sa Pyeongchang, South Korea.

Ka-team ni Buboy sina Glaiza De Castro, Miguel Tanfelix, Lexi Gonzales, at ang MMA fighter na si Mark “Mugen” Striegl.

At kasama naman ni Kokoy sa grupo sina Mikael Daez, Angel Guardian, Alessandra de Rossi, at Michael Sager.

Matapos ang episode, nag-viral ang eksena kung saan hindi sinasadyang ma-kiss sa baba ni Buboy si Kokoy nang itulak niya ito sa "Tumbang Tao" game.

Ang naturang video clip ay may mahigit 46,000 reactions at may 1.2 million views na matapos ma-upload sa Facebook page ng Running Man Philippines.

Kahit ang mga netizen at viewers, aliw na aliw sa awkward moment na ito ng Bu-Koy.

Puwedeng ulit-ulitin ang funny moments ng Running Man Philippines last May 18 and 19 by visiting GMANetwork.com o i-follow ang official YouTube page ng GMA YouLOL.

RELATED CONTENT: MEET THE KOREAN STARS JOINING THE MUCH-AWAITED RUNNING MAN PH SEASON 2