
Eliminate the strongest opponent!
Ito ang naging misyon ng Runners sa first name tag elimination game ng Running Man Philippines kagabi, May 26.
Naging target sa name tag ripping mission ang mixed martial arts fighter na si Mark Striegl na kung saan anim na Runners ang pinagtulungan siya para makuha ang kaniyang name tag.
Bago nito, na-eliminate na sina Mikael Daez at Alessandra de Rossi.
Nagsama-sama sina Buboy Villar, Kokoy de Santos, Miguel Tanfelix, Michael Sager, Lexi Gonzales at Glaiza De Castro para ma-subdue lamang si Mark.
Sa huli, si Boss G (Glaiza) ang nakatanggal sa name tag ng MMA fighter at nakuha rin nito ang kaniyang medals.
Nag-trend pa sa social media site na X ang hashtag na “Boss G” kung saan maraming pumuri kay Glaiza sa galing at husay niya sa name tag ripping mission.
Haha galing ni Boss G @glaizaredux MMA figther ang na-rip ng nametag #RMPHNametagElimination
-- Re (📺🇵🇭) (@Rayne_Yuki) May 26, 2024
Nice Boss G! Ikaw ang nakakuha ng nametag ng isang MMA Fighter. @glaizaredux #RMPHNametagElimination
-- j (@jarckx) May 26, 2024
Bandang Huli si Boss G parin ang nagwagi #RMPHNametagElimination | GLAIZA https://t.co/BVZ659JH9V
-- Aylabyu_baby (@DGagate) May 26, 2024
Ngiting nakapag eliminate ng MMA champ! Hahahaha! Ang cute mo Boss G @glaizaredux #RMPHNametagElimination | GLAIZA pic.twitter.com/IMSI8K7Oec
-- RaStro Rebels New Gen (@rastronewgen) May 26, 2024
Sa naging short interview ni Kap kay Mark, nabigla raw ito na seryoso ang mga Runner na maalis siya agad sa competition.
Kuwento niya, “Basically, I got tired.
“And then oh! I finally fell flat on my back. My supposedly trusty captain [Buboy Villar] put me in a straight arm bar. Yeah! In a straight arm bar, full on arm bar and he's cranking. It's legit! He's actually cranking. I was so surprised, what the hell! It's a real arm bar.”
Balikan ang makapigil-hininga na moment na ito sa Running Man Philippines kahapon sa video below.
Ultimate Runner at Batang Kanal, nagtapatan para sa ginto!
Buboy Villar, ginamitan ng MMA moves si Mugen!
RELATED CONTENT: MEET THE KOREAN STARS JOINING THE MUCH-AWAITED RUNNING MAN PH SEASON 2