
Nabalot ng katatakutan ang episode ng Running Man Philippines season 2 nitong Sabado ng gabi (June 8) dahil sa nakakakilabot na encounter story ni Shaira Diaz. Napaglaruan daw umano ang aktres ng isang elemento sa set ng primetime soap na Lolong.
Nakasama ni Shaira sa naturang project ang ilan sa pinakamalalaking bituin ng GMA-7 tulad ni Running Man Philippines star Ruru Madrid, Arra San Agustin, Paul Salas, Rochelle Pangilinan at marami pang iba.
Tumaas ang balahibo ng viewers nang ibahagi ng Unang Hirit host na may nagalit daw sa kaniya ang isang elemento dahil nagambala niya ito.
As of writing, may mahigit 3 million views na sa TikTok ang horror story na ito ni Shaira.
@gmanetwork #RunningManPH2: June 8, 2024 | NAKAKATAKOT NAMAN 'YUNG KWENTO MO SHAIRA! 😭#RunningManPH #TikTokTainmentPH ♬ original sound - GMA Network
Marami raw nagulat na nang sumigaw si Shaira sa episode habang ikinuwento sa mga Runner ang kababahalaghan na nangyari sa kaniya sa lock-in taping ng Lolong.
Samantala, may ilan rin ang napatingin sa kanilang mga hinliliit nila upang malaman kung pantay ito.
Sa kuwento ni Shaira na may pamahiin na kapag hindi raw ito pantay ay napaglalaruan ka ng isang maligno.
Lahad ng Sparkle host sa episode ng Running Man Philippines, “Yung next na [nangyari] nag-ML (Mobile Legends) ako, habang nag-ML ako kasi natatakot na ako e, sabi kasi ni direk, 'Nak, patingin nga 'yung daliri mo 'yung hinliliit.' 'Di ba sa atin kapag hindi pantay 'yung hinliliit may naglalaro talaga.
“So pag-check ni direk Rommel [Penesa] hindi pantay. Super haba nung isa kong daliri.”
“Tapos sabi ko ngayon, sabi ko nagparinig ako, wala lang sabi ko: Ito talaga kapag nabasa, may nabasa pa uli ako ganiyan. 'Pag nabasa uli ako maniniwala na ako sa'yo.”
“So siyempre paghihiga ka sa kama mo 'di ba makikita mo naman kung may dumi or may basa. So, habang nag-ML ako humiga ako. 'Pag bangon ko may tumutulo dito sa may siko ko, pagtingin ko basa siya.”
Balikan ang Running Man Philippines Horror Stories sa video below!
RELATED CONTENT: Actresses who starred in television horror specials