GMA Logo Miguel Tanfelix and Nancy of MOMOLAND
Source: Running Man PH, GMA Network (TikTok)
What's on TV

Team nina Miguel Tanfelix at Nancy sa 'Running Man Philippines', nagpakilig online!

By Aedrianne Acar
Published August 4, 2024 11:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

TUCP solon: SC order on P60-B PhilHealth funds a 'wake up call' for universal healthcare
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix and Nancy of MOMOLAND


Kilig moments nina Miguel Tanfelix at Nancy ng MOMOLAND sa 'Running Man Philippines', may mahigit one million views na sa TikTok!

Isang nakakakilig na episode ang hatid ng Running Man Philippines kagabi kung saan special guest ang K-pop superstar na si Nancy McDonie sa race nila na tinawag na "Seoulmates"!

At para sa bagong race, naka-partner ng MOMOLAND member ang Sparkle heartthrob na si Miguel Tanfelix.

Nag-trend ang pangalan ni Miguel sa social media site na X kagabi (August 4) at maraming netizens ang natuwa na makita ang competitive at kulit side ng K-pop idol.

Hindi rin napigilan ng fans ng Running Man Philippines na kiligin sa moments nina Miguel at Nancy, ang tambalang binansagan na MigCy.

Nag-viral pa ang ginawa ni Miguel kay Nancy sa first mission nila na tinawag na "Kapag Tumibok Ang Puso" dahil matapos ito ma-upload sa TikTok, nakakuha ang video na ito ng mahigit 1.4 million views sa loob lang ng ilang oras.

@gmanetwork #RunningManPH2: Grabe 'yung pa-Love Shot! Miguel, may tumatawag daw oh. 🤣 #RunningManPH #RMPHSeoulmatesRace #TikTokTainmentPH ♬ original sound - GMA Network

Balikan ang ilan sa cute moments ni Nancy McDonie sa Running Man Philippines sa video below!

RELATED CONTENT: MEET K-POP SUPERSTAR NANCY