GMA Logo Running Man PH mini episode
What's on TV

Pinoy Runners, may duda sa special treat na ibinigay sa kanila bago ang finale race sa 'Running Man PH'

By Aedrianne Acar
Published September 4, 2024 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: December 19, 2025 [HD]
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Running Man PH mini episode


Ano-ano ang mga nangyari sa exclusive mini episode ng 'Running Man Philippines' bago ang kanilang season finale ngayong weekend?

Bago ang exciting "Run To The Finale" episode ng phenomenal reality-game show na Running Man Philippines sa darating na September 7 at September 8, nakatanggap ng heartwarming surprise ang ating Pinoy Runners.

Sa last day kasi ng shooting nila sa South Korea, binigyan sila ng production team ng reward na makakain ng masasarap na Korean at Pinoy foods.

Sa special mini-episode na in-upload online, talaga naman nakakagutom ang mga hinain na putahe para sa mga Runners.

Yun nga lang, hindi maiwasan ng iba na baka may special twist na mangyayari.

Sabi ni Kap Mikael Daez, “First time tayo pinakain na walang ginawa noh. Never pa tayo pinakain ng walang pinagawa.”

Humirit pa si Kokoy de Santos na sinabing, “Parang Last Supper ata to ah.”

May catch nga kaya ang special treat? Ano ang mangyayari sa finale race?

Huwag papahuli sa grand season finale ngayong weekend ng Running Man Philippines ngayong September 7 at September 8 sa oras na 7:15 p.m.

Samantala, makakasama rin natin ang OG Runner na si Ruru Madrid na may special participation sa last episodes ng show.

Sinabi ng Kapuso Primetime Action Hero na nakakataba ng puso na maramdaman na na-miss siya ng co-runners niya at kahit staff ng show.

“Nakakatuwa na pakiramdam ko pa rin Runner pa rin talaga ako, kahit hindi ko nakumpleto ang season two,” lahad ni Ruru.

Pagpapatuloy ng Sparkle actor, “Naramdaman ko 'yung pagka-miss ng co-Runners ko at ng lahat ng staff na nandito. So, parang.. para akong nakahinga alam mo 'yung ganun. Na parang from tuloy-tuloy na trabaho sa Pilipinas for Black Rider.

“Tapos ngayon pumunta ako ng Korea para makita ko 'yung co-runners ko at lahat ng staff ng Running Man para akong na-recharge kumbaga at na-excite.”

RELATED CONTENT: CELEBRITY GUESTS ON RUNNING MAN PH SEASON TWO