
Bagamat matatapos na sa darating na weekend ang Running Man Philippines season two, nilo-look forward na agad ng Pinoy Runner na si Buboy Villar ang mga susunod na season ng phenomenal reality-game show.
Ang last race nila na tinawag na 'Runners in Borderland' ay maituturing na isa sa pinaka-exciting at intense moment ng season two lalo na at mapapanood ang special participation ng Kapuso Primetime Action Hero na si Ruru Madrid.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Buboy, sinabi nito na mas maganda para sa fans at viewers ng show kung magtutuloy-tuloy ang Running Man Philippines.
“Nakaka-excite kasi makakasama nga namin dito si Ruru [Madrid] dahil kumpleto 'yung Runners e, ang saya. So, nakaka-excite para sa season three. Pero sa totoo lang na-excite ako at nilo-look forward ko po talaga na magpatuloy po itong Running Man,” saad ng Sparkle comedian.
Dagdag ni Buboy, “Kasi iba ang dynamics ngayon lalo na 'yung kumpleto kami, sobrang nabitin po kasi ako sa last episode. Sobra talaga ako nabitin kaya nung nag-end 'yung last day shoot namin ng Running Man. Alam mo 'yung parang, mas ginanahan pa ako na shucks! Mas maganda pa 'to kapag humaba pa, kapag nagkaroon ng season three. Mas mae-enjoy pa ng mga tao.”
Talaga namang tinututukan tuwing weekend ang episodes ng Running Man Philippines na consistent na nakapagtala ng mataas na ratings.
Makailang ulit din na nakakuha ang online videos nito ng milyun-milyong views sa Facebook at TikTok.
Para kay Buboy, mas mahalaga sa kaniya na na-appreciate ng mga Kapuso ang hirap at pagod na ibinigay nila sa Running Man Philippines. At nakakataba ng puso na malaman na sama-samang pinapanood ng buong pamilya ang show nila.
Lahad niya sa GMANetwork.com, “Simula pa noong season one hanggang season two hindi naman po talaga ako nage-expect po ng mga ratings.
“Natutuwa po ako dahil na-appreciate po ng mga bata, pati ng buong family na manood ng Running Man. At hindi po mangyayari 'to kung hindi dahil po sa mga nanonood, kumbaga hindi naman aabot ng million views kung hindi po dahil sa suporta fans ng Running Man.
“Kaya buong pasasalamat ko po talaga, hindi po namin mararating itong season two or season more, more, more, kung hindi po dahil sa inyo. Kasi po, natanggap po ninyo 'yun po 'yung pinakamalaking blessing po sa amin na naitawid po namin 'yung Running Man sa inyo pong mga tahanan. Para magbuklod-buklod ang buong family.”
Tutukan ang #RMPHRunToFinale this weekend, 7:15 PM sa darating na September 7 at September 8 dito lang sa GMA-7.
Puwede rin kayo bumoto mga Pinoy Runners, kung sino sa tingin n'yo ang magiging Ultimate Runner for season two. I-check ang online poll below!