
Kita sa mukha at ramdam sa body language ng Kapuso star na si Glaiza De Castro ang excitement na isa siya sa napiling maging cast member ng biggest-reality game show of 2022 na Running Man Philippines.
Bukod kay Glaiza, makakasama niya sa show sina Mikael Daez, Ruru Madrid, at Buboy Villar. Pasok din sa Running Man Philippines sina Kokoy de Santos, Angel Guardian at Lexi Gonzales.
Sa isang Kapuso exclusive video, umamin si Glaiza na naging emosyonal siya nang malaman na part siya ng project.
Pag-alala ng Kapuso actress, “Napaiyak talaga ako as in.”
Pagpapatuloy niya, “Binasa ko 'yun sa nanay ko. And then habang binabasa ko sa kaniya umiiyak ako, kasi siyempre isa sa mga favorite countries ko ang Korea. Diyan po nagmula ang aking mga idol and I'm very excited to do this thing and to do this new challenge.”
Bukod sa makakabisita siya sa favorite country niya na South Korea, looking forward na si Glaiza na ma-meet ang Team ng SBS at matuto from them.
Aniya, “Siyempre 'yung pakikipag-collaborate namin with SBS, cause I think now we will learn so much with them, kung paano nila ginagawa 'yung Running Man.
“Parang 100 cameras 'yung naka-set up doon, e. I think isa 'yun sa mga bagay na excited ako makita, kung paano nila 'yun sine-set up.”
For more updates about Running Man Philippines, please check GMANetwork.com or follow all its official social media pages.