GMA Logo Running Man Philippines
Source: glaizaredux (IG)
What's on TV

Bakit tinawag ni Glaiza De Castro na mga 'ninja' sina Kokoy de Santos at Angel Guardian?

By Aedrianne Acar
Published June 27, 2022 12:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cop in CDO nabbed for indiscriminate firing on Christmas Day
24 Oras Express: December 25, 2025 [HD]
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Running Man Philippines


Alamin ang dahilan kung bakit nakikita ni Glaiza De Castro na 'dark horse' sa 'Running Man Philippines' sina Kokoy de Santos at Angel Guardian.

Lumabas ang chemistry ng pitong cast members ng Running Man Philippines sa idinaos na online media conference last June 24, kung saan ibinahagi nila ang kanilang saloobin sa nalalapit nilang pag-alis papuntang South Korea to shoot the first season.

Napuno ng tawanan, kulitan, at asaran ang panayam nina Glaiza De Castro, Mikael Daez, Ruru Madrid, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, at Angel Guardian kasama ang entertainment press.

Isa sa mga naitanong sa kanila ay kung sino ang sa tingin nila ang dark horse sa mga gagawin nilang games or missions for Running Man Philippines.

Para sa Kapuso primetime actress na si Glaiza De Castro, dalawa sa kanila ang sa tingin niya ay dapat bantayan.

Kuwento niya sa GMANetwork.com, “Ako feeling ko si Angel [Guardian], kasi nung time nag-workshop, parang may activity kaming ginawa.

“Nakita ko 'yung mga diskarte niya, kasi nga parang sinabi ni Kokoy [de Santos], tatahimik siya, pero merong nanggugulat siya. Hindi ko man siya nakita sa physical challenges, kasi siyempre ang Running Man hindi lamang naman physical challenges 'di ba?

“Hindi lang ganun 'yung mga missions na gagawin namin, mero'n din kaming mental challenges, so feeling ko strength niya 'yun.”

Dagdag pa ng Kapuso actress-singer, “Si Kokoy din parang may tinatagong kakayahang hindi pa niya pinapakita ngayon, so mag-ready lang tayo sa mga tatahi-tahimik, 'yung mga gaganyan. Si Buboy [Villar] halatang halata na, si Mikael [Daez] talagang nakita naman natin kung paano siya manlaglag.

“Si Ruru [Madrid] ano e, talagang physically pinaghandaan niya. Tapos si Lexi [Gonzales] go lang ng go 'yan e, kahit minsan hindi niya iniisip 'yung gagawin niya [laughs].

“Pero 'yung dalawa, 'yung ninja 'yung nakikita ko sa kanila.”

Sinabi naman ni Glaiza sa panayam sa kanya ni Dondon Sermino na mas lalong makikilala ng cast ang isa't isa sa dalawang buwan nilang pagtatrabaho sa Korea.

Tingin pa niya na open sila sa lahat ng possibilities, good or bad, sa magiging journey nila sa Running Man Philippines.

Paliwang niya, “Kapag gusto mo makilala 'yung isang tao, isama mo siya sa travel. Kasi na-experience ko 'yan e, talagang nate-test 'yung friendship, nate-test 'yung relationship kapag nasa ibang bansa ka na kasi, may mga times talaga na hindi maiiwasan 'yung arguments. 'Yung hindi pagkakaintindihan, misunderstanding, lalo pa Korea 'yung pupuntahan namin, may language barrier.

“Iba 'yung mga characters ng mga signs, biglang minsan maliligaw ka, minsan hindi mo alam gagawin mo. Pero, I think excited din kami and looking forward kami to whatever happens.

“Open kami sa misunderstandings kung magkakaroon man, kasi parte 'yun ng journey namin e. Kasi kung lagi kaming masaya rin, parang hindi naman reality 'yun 'di ba? Kasabay ng mga pag-e-enjoy namin ay 'yung learning namin sa characteristics ng bawat isa and accept it.”

Get the latest updates about Running Man Philippines by visiting GMANetwork.com or following all the official social media pages of the show:

Facebook: https://www.facebook.com/GMARunningManPH
Instagram: https://www.instagram.com/gmarunningmanph
Twitter: https://twitter.com/GMARunningManPH
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmarunningmanph