
Matamis na ngiti ang makikita sa mukha ni Glaiza De Castro sa tuwing napag-uusapan ang memorable six-week work trip niya para sa much-awaited reality game show na Running Man Philippines, na mapapanood na simula September 3.
Sa exclusive chat ng 24 Oras sa Kapuso Drama Gem, sinabi ni Glaiza na mami-miss niya ang lahat ng nakatrabaho nila sa Running Man Philippines, kasama na ang SBS Korea team.
Kuwento niya, “Masaya 'yung experience, actually 'yun 'yung mas nakaka-miss, lagi ko sinasabi 'to na 'once-in-a-lifetime opportunity' itong ibinigay sa amin ng GMA.
“To be able to work with SBS team. So, ang saya lang po nung team work ng bawat isa.”
Umamin din ang award-winning Kapuso actress na emosyonal sila sa huling pagsasama-sama nila sa taping.
Pagbabalik-tanaw ni Glaiza, “Hagulgol talaga kami! Kasi, mami-miss namin 'yung mga moments namin nage-explore kami. 'Tapos may-a-ayaan kapag ka nagugutom. Natutuwa ako na nagkaroon ako ng bagong mga kapatid. At bagong pamilya, talagang makikita mo na we care about each other.”
TINGNAN ANG BONDING MOMENTS NG RUNNING MAN PHILIPPINES CAST SA SOUTH KOREA: