
Nakita ng Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid ang competitive side ng mga kapwa niya Runners sa Running Man Philippines sa mga ginawa nilang exciting missions sa South Korea.
Aminado man na physically tiring, napabilib siya sa mga co-cast members niya lalo kay Glaiza De Castro.
“Siya 'yung pinakatakot ako, kasi siyempre 'pagka tumingin siya sa'yo ng ganiyan, wala na. Talagang tiklop ka,” pagsasalarawan ni Ruru kay Glaiza sa panayam ng 24 Oras na nag-ala Pirena raw.
Samantala, dapat din abangan ang mga scenes ni Angel Guardian sa Running Man Philippines.
Aniya, “Akala mo si Angel [Guardian] tatahi-tahimik, pero once na biglang sinabing start na 'yung game. Nag-iiba ng anyo.”
Bukod sa bago niyang show sa weekend primetime, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng serye niya na Lolong.
Ito na ang most watched TV show of 2022 with 13 million viewers per episode.
Ayon kay Ruru, nadadala rin daw niya ang kanyang “Lolong-mentality” sa tuwing sasabak sa mga missions for Running Man.
Kuwento niya, “I'm not aware, every time daw na may mga challenges na ganito, ang tawag nila sa akin, 'Ayan na si Lolong! Nagta-transform na si Lolong. Kasi nag-iiba na raw 'yung mga mata ko.”
Kakaiba namang “flavor” ayon kay Mikael Daez, ang ibibigay nila sa viewers sa oras na umere ang Running Man Philippines simula September 3.
Paliwanag ng Kapuso actor-host, “Iba 'yung magiging timpla nito. Kasi the way it was shot, it was shot by a completely different team 'yung Korea productions staff nga. 'Yung edit it's also coming from the Korean post production group.
“So iba 'yung magiging flavor, kaya nga sobra excited ako.”
Kung gusto n'yo na makilala ang ating mga celebrity Runners, sali na sa Grand Fan Fest na mangyayari sa Robinson's Manila Midtown Atrium ngayong August 27.
For more info kung paano mag-register sa masayang event na ito, please see the details HERE.
CHECK OUT THE WORKATION TRIP OF THE RUNNING MAN PHILIPPINES CAST IN SOUTH KOREA: