GMA Logo running man ph
What's on TV

'Running Man PH' boys, natakot sa pagiging competitive ng female co-stars

By Aedrianne Acar
Published August 30, 2022 1:05 PM PHT
Updated August 30, 2022 2:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 5, 2025
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year
Yacht catches fire; damage hits P900,000

Article Inside Page


Showbiz News

running man ph


Napa-'oh my, God' si Mikael Daez nang alalahanin ang pagiging competitive ng kanyang female co-stars sa 'Running Man Philippines.'

Palaban at walang inuurungan.

Ganito inilarawan nina Mikael Daez at Ruru Madrid ang Running Man Philippines co-stars nilang sina Glaiza De Castro, Lexi Gonzales, at Angel Guardian. Nakapanayam sila ng 24 Oras, matapos ang media conference ng upcoming reality game show noong Sabado, August 27, sa Robinsons Manila.

Ayon sa binasagang The Captain na si Mikael, kaabang-abang tatlo female co-stars nila.

Wika niya, “Abangan n'yo 'yung mga girls namin. Kasi, when I first met them, wala ako initial impression, e. Tapos nung naglaro na kami, we started playing the missions, 'Oh my, God!'"

Tumatak naman sa Kapuso Action-Drama Prince na si Ruru Madrid ang mga sandaling nakaharap niya si Glaiza.

Kuwento ni Ruru, “Parang lahat, lahat naman. Pero mas nakakatakot lang 'yung mga babae. Kapag babae, lalo na 'pag si Boss G or si Glaiza... kapag tumitig sa'yo si Glaiza wala ka na magagawa. As in tiklop ka talaga.”

Dagdag pa niya, “Bawat challenges na ginagawa namin, lahat ng 'yun. Para po makapagbigay kami ng saya sa inyo.”

Baon naman ni Glaiza sa pagtatapos ng kanilang shoot sa South Korea ang mga aral na natutunan niya sa Running Man Philippines.

Talagang kakaiba raw ito sa kumpara sa ginagawa niya sa tuwing may soap.

Paliwanag ng Sparkle actress, “Bilang artista kasi, sanay ako na prepared talaga ako, prepared ako sa lines ko. Alam ko gagawin ko kapag pagdating sa set, dapat focus ako.'

“Dito po, parang, okay lang na hindi ka maging prepared. Just be in the moment, be in the present. I-accept mo kung ano 'yung mga nasa paligid mo. And introvert din po kasi akong tao, so dito mas natutunan ko maging outspoken. Mas maging pala-bonding.”

TINGNAN ANG MGA PANGYAYARI SA RUNNING MAN PHILIPPINES GRAND FAN FEST SA GALLERY NA ITO: