
Sobrang na-touch ang Kapuso drama gem na si Glaiza De Castro sa mainit na pagtanggap sa kanila ng SBS team nang mag-shoot sila ng Running Man Philippines sa South Korea.
Sa Tweet ni Glaiza kahapon (September 4), ipinasilip ang sorpresa na bumungad sa kanilang mga celebrity Runners nang pagpasok nila sa SBS building.
Ayon sa post ng magaling na aktres, “Yung pakiramdam ng una naming pasok sa SBS Building at may pa welcome sila sa amin na ganito, ito rin yung pakiramdam namin sa mainit ninyong pagtanggap sa #RunningManPH.”
Yung pakiramdam ng una naming pasok sa SBS Building at may pa welcome sila sa amin na ganito, ito rin yung pakiramdam namin sa mainit niyong pag tanggap sa #RunningManPH
-- Glaiza de Castro (@glaizaredux) September 4, 2022
Maraming salamat at kitakits ulit mamaya! pic.twitter.com/5z6F4NuDqc
Samantala, tinutukan muli ng maraming Kapuso at Pinoy Runners ang second episode ng Running Man Philippines sa Sunday Grande sa Gabi.
Patok sa viewers ang paglipad ng runners sa 'Flying Chair' game at nakita nila ang competitiveness ng ating seven cast members sa exhilarating 'Nametag Race.'
Sa katunayan, trending uli sa Twitter Philippines ang naturang episode.
Silipin ang ilan sa highlights sa September 3 and September 4 episode ng Running Man Philippines sa video below:
Tutukan ang exciting happening sa reality show tuwing Sabado, 7:15 p.m. at sa Linggo naman mapapanood ang ating mga celebrity Runners sa oras na 7:50 p.m..
LET'S TAKE A QUICK TOUR IN SOUTH KOREA WITH OUR CELEBRITY RUNNERS HERE: