
Walang dudang tinangkilik ng Pinoy viewers and first two episodes ng Running Man Philippines na umere nitong September 3 and September 4.
Panay rin ang Tweet ng mga Pinoy Runners ng mga favorite scenes nila, kaya naman trending ang #RunningManPh at #RMPhFirstRace nitong weekend.
Samantala, patok naman sa TikTok ang isa sa mga tanong sa kinaaliwan na Flying Chair Game kagabi.
Tanong kina Ruru Madrid at Angel Guardian: Anong bahagi ng katawan ng tao ang pinakamalaki kapag nasa teenage years siya?
Wala pang isang araw matapos ma-post ang video, umani na ito ng 2.5 million views at nakakuha na ito ng mahigit 88,000 likes.
@gmarunningmanph And the answer is....? #RunningManPH #RunningManPhilippines #GMA ♬ original sound - GMARunningManPH
Dagsa rin ang papuri ng netizens sa GMA-7 at SBS Korea para sa highly-entertaining episodes ng Running Man Philippines.
Mapapanood ang biggest reality show ng Kapuso Network tuwing Sabado, 7:15 p.m. at sa Linggo naman tumutok sa ating mga celebrity Runners sa oras na 7:50 p.m.
LET'S TAKE A QUICK TOUR IN SOUTH KOREA WITH OUR CELEBRITY RUNNERS HERE: