
Mission accomplished!
Ganito isinalarawan ng bumubuo sa Running Man Philippines team nang makamit nila ang back-to-back strong ratings sa first weekend pa lamang.
Nag-post ng pasasalamat sina Direk Rico Gutierrez at pati na rin si Lolong star Ruru Madrid, matapos nilang matanggap ang balita na nakapagtala ang reality show ng 14.1 percent noong Sabado (September 3) at mas tumaas pa ito nong sumunod na araw (September 4) nang makakuha ang Running Man Philippines ng 14.4 percent base sa datos mula sa NUTAM People Ratings (Nielsen Phils. TAM).
Nakakataba naman ng puso ayon sa comedian-vlogger na si Buboy Villar ang mainit na suporta na nakuha nila mula sa mga Kapuso at Pinoy Runners.
Post ni Buboy sa Instagram, “Mission accomplished talaga kapag kayo ang masaya! Nakakataba ng puso alam ko yung mga kasama kong runners nag iiyakan na yung mga yun! Dahil sa tuwa! Kaya muli bok kamsahamnida! lab u all. FIGHTING!!”
Tumutok sa mas gumagandang episode sa Running Man Philippines tuwing weekend primetime, Saturdays, 7:15 p.m., and Sundays, 7:50 p.m.
CHECK OUT THE HOTTEST PHOTOS OF THE RUNNING MAN PH BOYS HERE: