GMA Logo Mikael Daez at Boobay
What's on TV

Team up nina Mikael Daez at Boobay, usap-usapan sa Twitter!

By Aedrianne Acar
Published September 19, 2022 1:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sibol Men sweep group stage to punch 2025 SEA Games MLBB semis ticket
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Mikael Daez at Boobay


Trending uli sa Twitter Philippines ang episode ng 'Running Man Philippines' last Saturday, kung saan napabilib nina Boobay at Mikael Daez ang netizens sa kanilang team up.

Isang intense at highly-entertaining episode ang muling nasaksihan ng mga Kapuso sa Running Man Philippines last Saturday, September 17.

Ginawang isang malaking playground ng six celebrity Runners na sina Glaiza De Castro, Ruru Madrid, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, at Angel Guardian ang buong SBS building kung saan kinailangan nilang ma-figure out ang kasabwat ni Boobay na walang iba kundi si “The Captain” Mikael Daez.

Bumuhos uli ang tweet at reaksyon ng mga viewer sa episode at trending din ang #RMPhSpyHunt sa Twitter.

Usap-usapan din ang team up nina Bobbay at Mikael para makuha ang nametag ng mga biktima. Sa huli, nakuha nila ang mga nametag nina Lexi, Angel, Glaiza, at Buboy.

Samantala, bigo naman ang dalawa sa matinding duo nina Ruru at Kokoy na sa huli ay natanggal nila ang nametag ni Boobay.

Dahil natalo sa kanilang mission, may parusa na naghihintay kay Boobay at Mikael.

Bukod sa nabasa sila sa pagbato sa kanilang mukha ng mga water balloons, naka-head shot din si Boss G kay Captain.

Tingnan ang highlights ng Saturday episode ng Running Man Philippines sa video na ito:

If you missed any episodes of Running Man Philippines, visit the YouTube channel of YouLOL, because the full episode of the high-rating show is already available!

Always remember, don't walk, run!

Running Man Philippines is a co-production between SBS (Seoul Broadcasting System) and GMA Network, the reality-game show airs on weekend primetime: Saturdays, 7:15 PM, and Sundays, 7:50 PM.

TAKE A QUICK TOUR IN SOUTH KOREA WITH OUR CELEBRITY RUNNERS HERE: