GMA Logo running man ph
What's on TV

Running Man PH: Megan Young, may mensahe kay "The Captain" Mikael Daez

By Aedrianne Acar
Published October 19, 2022 11:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa | Balitang Bisdak
Jeepney driver, patay matapos barilin ng salaring nagkunwaring pasahero sa Antipolo City
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

running man ph


Abangan ang guest Runners natin na sina Megan Young at Andre Paras sa 'Running Man Philippines' this weekend!

May big reveal ang Running Man Philippines ilang araw bago ang episode 15 and 16 dahil ipinakilalaang dalawang guest Runners na makakasama ngayong weekend.

Sa promo videos na inupload online, opisyal na kinumpirma na mapapanood sina Andre Paras at Miss World 2013 Megan Young sa Running Man Ph.

Base sa isang exclusive online video ng reality show, walang kaalam-alam si Mikael Daez a.k.a. Kap at magugulat siya sa magiging guest nila this week.

Nang tanungin kasi si Mikael ng ibang Runners kung nami-miss niya ang asawa, sabi niya, “Hindi. Nung nag-Miss World siya she's away for mga two months.

“Wala lang 'to. Parang wala lang, sisiw. Kapag nakita ko siya baka hindi ko nga siya tingnan, baka puntahan ko pa si Buboy [Villar] kapag nakita ko siya.”

Samantala, excited naman si Megan na makita ang mister, pero mukhang palaban rin sa mga mission ang Kapuso beauty queen.

Saad niya sa online promo video, “Nandito tayo ngayon sa Seoul and finally makikita ko na ang aking asawa, na hindi ako sigurado kung nami- miss niya ako. Pero, 'di bale, paiiyakin ba natin siya. Ikaw ba ang tunay na Kap? Tingnan natin.”

Matatandaan na noong Hulyo, ibinahagi ni Mikael Daez na binisita siya ni Megan Young habang nasa kalagitnaan ng shoot sa Running Man Philippines.

TINGNAN ANG ILAN SA MGA BINISITANG LUGAR NINA MR. AND MRS. DAEZ SA SOUTH KOREA DITO: