Need ideas for your Christmas party games? Narito ang ilang ideas na inspired ng 'Running Man Philippines' na puwede n'yong gawin para naman mas lalong sumaya ang inyong get-togethers.
Excited na ba kayo Runners sa nalalapit na Christmas celebration?
Sigurado kaniya-kaniya na kayo ng plano para sa Christmas Party sa office o 'di kaya nag-iisip na kayo ng pakulo sa family reunion n'yo ngayong Holiday season.
Kung gusto n'yo na mas level-up ang celebration, bakit hindi n'yo gawin ang ilan sa mga napanood n'yo na Running Man Philippines missions para sa inyong parlor games.
Masusubukan ang coordination ng mga guest nyo sa “CD Relay Game” na napanood n'yo sa Catch the Thief Race episode noong September 11.
O humagalpak kayo sa kakatawa sa paglalaro ng “Flying Toast Game” na kinaaliwan sa Territory Race sa episode noong October 15.
Heto ang ilan sa Running Man Philippines missions that you can play with your family, friends, and officemates to make your Christmas party more fun this year.
1. HILAW O NILAGA (Chapter 1: Operation Running Man)
Props:
hilaw at nilagang itlog
Mechanics:
Maghanda ng itlog depende sa numbers. Isa lang dito ang nilaga.
Isa-isang pipili ng itlog ang players. Pagkakuha ng itlog, agad itong biyakin sa noo.
Ang makakuha ng nilagang itlog ang mananalo.
Note: Skip to 46:49
2. CD RELAY (Chapter 2: Catch the Thief)
Props:
Used CDs. Puwede rin gumamit ng maliliit na plastic balls
4 baskets
Mechanics:
Two teams ang maglalaro. Kada team, may 4-6 members.
Humiga nang isang linya. Nasa paanan ng unang player ang basket na puno ng CDs. Nasa ulo naman ng huling player ang empty basket.
Kukunin ng unang player ang CDs gamit ang dalawang paa. Ipapasa niyo ito sa next player na nasa taas niya na gamit pa rin ang dalawang paa.
Uulitin ang proseso hanggang maubos ang time limit. Kayo ang magse-set ng oras; puwedeng 3 minutes o mas mahaba pa.
Kapag naubos na oras, ang team na may pinakamaraming CDs ang mananalo.
Note: Skip to 15:52
3. ONE TEAM, ONE POSE (Chapter 2: Catch the Thief)
No props needed.
Mechanics:
Pumili ng magiging game facilitator.
Players stand in one line. Kailangan lima o higit pa para masaya.
May sasabihing isang klase ng pose ang facilitator (e.g. Superman) at kailangan gawin ng players nang sabay.