GMA Logo Max Collins on Running Man PH
What's on TV

Running Man PH: Maximum tawanan at kulitan sa Traditional Game Race

By Aedrianne Acar
Published November 17, 2022 10:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rain to parts of PH on New Year
Lake Holon to close temporarily starting January 3, 2026
Attend parties and a grand countdown featuring world-class music icons at this integrated resort

Article Inside Page


Showbiz News

Max Collins on Running Man PH


Panoorin ang mga celebrity Runners na sumabak sa mga outrageous missions na inspired ng ilan sa paborito n'yong Pinoy traditional games!

Mapapa-throwback kayo, mga Runners, ngayong weekend primetime, dahil babalikan natin ang mga patok na street at fiesta games sa Running Man Philippines!

Dadalhin tayo nina Glaiza De Castro, Ruru Madrid, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, Angel Guardian, at Mikael Daez sa Korean Folk Village sa Gyeonggi-do para sa exciting Traditional Game Race.

For this race, sasamahan pa tayo ng Kapuso drama actress na si Max Collins na tiyak max palaban sa mga missions.

Sa Sabado, November 19, hahatiin sila sa dalawang team, ang Purple at Pink, at maglalaban sa mga mission tulad ng “Red Light, Green Light” na tampok sa hit Netflix series na Squid Game.

Maglalaro rin sila ng Kadang-Kadang relay at Piko--pero lahat 'yan may twist ala Running Man style.

Sino kaya sa dalawang grupo ang aangat?

Tuloy naman ang salpukan pagdating ng Linggo ng gabi at tiyak, dahil shoot to suvive ang mantra ng two groups.

Kakabog ang dibdib n'yo mga Kapuso sa magiging diskarte ng Team Purple at Pink para sa final mission nila na “Baloon Survival” na inspired by bari-barilan game ng mga bata.


Sulitin ang pahinga this weekend at yayain ang buong pamilya na manood ng Running Man Philippines this Saturday at 7:15 p.m. at sa Linggo naman, tunghayan ang mga outrageous missions sa reality show tuwing 7:50 p.m..

SEXIEST PHOTOS OF CELEBRITY MOM MAX COLLINS: