
Swabe man sa pick-up lines, malas naman sa “Balloon Bomb” game si Buboy Villar!
Sa episode ng Running Man Philippines last November 26, sumabak ang seven celebrity Runners at kanilang mga guest na sina Gabby Eigenmann at Chanty Videla sa Balloon Bomb game.
Sa match-up nina Ruru Madrid, Kokoy de Santos, at Buboy Villar, nagawa pa ng comedian-vlogger na humirit ng pick-up line kay Chanty. Hirit niya sa K-pop idol, “Wala ako nakikita, kung hindi si Chanty Lang”.
'Yun nga lang sapol si "The Funny Juan" ng balloon na may laman na tubig!
Kinaaliwan naman ng netizens ang kakulitan ni Buboy na may mahigit 1.3 million views na sa Facebook as of writing.
Huwag palampasin ang exciting episodes ng Running Man Philippines tuwing Sabado ng 7:15 p.m. at sa Linggo naman sa oras na 7:50 p.m.
THE HOTTEST PHOTOS OF THE RUNNING MAN PH BOYS: