
Mukhang bukod sa pagiging “The Captain,” kailangan natin idikit sa pangalan ni Mikael Daez ang title na “Mr. Pure Strategy” sa Running Man Philippines.
Sumabak sa nakaka-stress na “Memory Battle” mission sina Mikael at Glaiza De Castro kagabi (December 4) sa “The Four Elements Race.”
Habang sakay sa isang drop tower ride, kailangan nilang mag-memorize ng words na nasa ibaba ng ride.
Pinabilib ni Mikael hindi lang ang kapwa Runners, kundi pati ng fans sa husay ng memorya niya at ang naging strategy niya na gumawa ng kuwento gamit ang mga salita.
Ayon sa mga netizen, nakakamangha ang memorization skills ni “Kap.”
Kung may na-miss kayo na moments sa Sunday episode ng Running Man Philippines, panoorin ang highlights nito sa YouLOL channel!
WALK AROUND SOUTH KOREA WITH THE CAST OF RUNNING MAN PH: