
Ilang araw na lang at mapapanood na ang bagong Kapuso serye na Sahaya.
Tampok dito sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Migo Adecer, Zoren Legaspi, at Mylene Dizon.
Gaganap si Mylene bilang ang ina ni Sahaya na si Manisan.
Mini reunion daw ang proyektong ito para sa kanila nina Bianca at Miguel, na nagkatrabaho na niya noon sa Kapuso series na Once Upon a Kiss.
Bilib daw ang aktres sa dedikasyon ng dalawang aktor sa Sahaya.
Ayon kay Mylene, “The way she [Bianca] attacks her role and her professionalism--it's just different.
“And it's nice that they are growing nicely. It's like seeing your children grow up. And I'm very proud of the two kids.”
Kuwento pa niya, natuwa rin siya nang malaman niyang si Jasmine Curtis-Smith ang gaganap bilang ang batang bersyon ni Manisan.
“I'm glad that they chose somebody who's very talented and it's very flattering.”
WATCH: Jasmine Curtis-Smith, excited sa konsepto at karakter niya sa 'Sahaya'
Panoorin ang chika ni Aubrey Carampel:
WATCH: Bianca at Miguel, nais ipakita ang kultura ng mga Badjaw sa 'Sahaya'
Mapapanood na ang Sahaya simula sa Lunes, March 18, pagkatapos ng KaraMia.