What's on TV

WATCH: Bianca Umali, most challenging role si 'Sahaya'

By Cara Emmeline Garcia
Published March 19, 2019 10:51 AM PHT
Updated March 19, 2019 12:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Pres. Bongbong Marcos signs the P6.793-T budget for 2026 | GMA Integrated News
Ilonggo filmmaker wins Best Screenplay in New York
Beyond the stigma: Project Headshot Clinic celebrates 18th installment, 'Amorphous'

Article Inside Page


Showbiz News



“[Si] Sahaya sobrang complete stranger siya for me. Wala kaming kahit anong similarities which is one of the most challenging parts ng pag-portray ko sa kanya." - Bianca Umali

Mapapanood na ang Kapuso fantaserye na Sahaya simula March 18.

Bianca Umali
Bianca Umali

Pangungunahan ito ni Kapuso actress Bianca Umali kasama si Miguel Tanfelix na buong pusong naghanda para ipakita ang mayamang kultura ng mga Badjaw.

Para kay Bianca, ito na raw ang pinakamahirap na role na ginampanan niya.

“[Si] Sahaya sobrang complete stranger siya for me.

"Wala kaming kahit anong similarities which is one of the most challenging parts ng pag-portray ko sa kanya. Kasi, parang kinailangan kong ipanganak ang sarili ko ulit para maging someone else.”

Dagdag pa ni Bianca, hinangaan daw niya si Sahaya dahil sa pagiging inosente ng kanyang bagong karakter.

“Hinahangaan ko siya sa purity niya,” ayon kay Bianca.

WATCH: Bianca at Miguel, nais ipakita ang kultura ng mga Badjaw sa 'Sahaya'

Si Miguel naman na gumaganap bilang Ahmad ay excited na makita ng mga manood ang bunga ng kanilang pinaghihirapang mga eksena.

“Bilang Ahmad, sumisid ako. Ako talaga 'yun, walang [body] double.

“Yung pagganap bilang isang Badjaw, pero masaya talaga siya.”

Panoorin ang buong interview sa chika ni Cata Tibayan:

WATCH: 'Sahaya' cast, excited na sa Lunes!

Tutukan ang kuwento ni Sahaya, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Kara Mia.