
Maganda man ang reaksiyon ng netizens sa transformation ni Bianca Umali bilang si Sahaya, nakaramdam naman ng lungkot ang aktres sa pagkawala ng kaniyang dating ayos bilang isang dalagang badjao.
Aniya, “Kasi, sobrang na-attach ako bilang si Sahaya and sobrang minahal ko siya emotionally and physically, na nakakalungkot na hindi na mahaba 'yung hair ko at 'yung damit ko iba na.”
Makeover ni Sahaya, trending sa YouTube!
Nagbigay rin ng kani-kaniyang reaksiyon ang leading men ni Bianca na sina Miguel Tanfelix at Migo Adecer na gumaganap bilang Ahmad at Jordan.
Saad ni Miguel, “Kapag nakabihis ako bilang Akhmad, 'tas nakikita ko siyang nakaganyan, parang naninibago pa rin ako kasi 'yun 'yung character ni Ahmad.
Para naman kay Migo, “Si Jordan lang, nagulat siya sa isang scene na nag-show na si Sahaya ng shoulders at curly na yung hair niya.
“That's why there was a scene where I took off the sunglasses and I was like, 'Oh! Iba ito, ah!'”
Ano naman kaya ang mga dapat abangan ng mga manunuod sa Sahaya?
Panuorin sa buong chika ni Lhar Santiago:
Patuloy na panoorin ang Sahaya, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Kara Mia sa GMA Telebabad.