
#SepanxModeOn na raw para kay Direk Zig Dulay ngayong tapos na ang taping ng hit Kapuso series na Sahaya.
Pagkatapos ng ilang buwang taping kasama ang cast at crew, naalimpungatan raw ang direktor dahil sa biglang pagbago ng takbo ng kanyang buhay.
Kuwento niya, “Ilang buwan akong nagbuhay-teleserye, halos doon umikot ang mundo ko.
“At ngayong patapos na, gumising ako kaninang umaga na para bang naalimpungatan.
“Bumangon ako nang walang pagmamadali, umikot na tila kinikilala ang lugar.
“At ngayon ko lang napapansin 'yung mga bagay sa loob ng kuwarto ko na niluma ng panahon...mga bagay na hindi mo pinapansin - na akala mo okay pa at maayos pa pero hindi na pala.
“Panahon na naman ng paghahanap sa sarili. #SepanxModeOn”
Todo suporta naman ang binigay ng fans ng direktor at ng show at anila'y mami-miss nila ang show pagkatapos umere nito.
Abangan ang nalalapit na pagtatapos ng Sahaya dito lang sa GMA Telebabad.
Direk Zig Dulay, saksi sa dedikasyon ni Bianca Umali sa 'Sahaya'
READ: Bianca Umali reveals drastic change on 'Sahaya'