
Isang kilig Saturday kasama ang dalawang loveteams ang aabangan sa Sarap, 'Di Ba?
Sa Sabado ng umaga, makakasama nina Carmina Villarroel at Mavy Legaspi ang tambalan nina Tina Paner at Ramon Christopher, Allen Ansay at Sofia Pablo.
PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?
Sasabak sina Tina, Ramon, Sofia at Allen sa exciting Lie Detector Laglagan. Maglalaban din sa Sabado ang Team Alfia at Team RamNa sa Flip the Bottle Game.
Isang nakakatakam na recipe naman ang mapapanood sa Sarap, 'Di Ba? kitchen. Maghahanda sina Tina at Ramon ng masarap na Turmeric Chicken with Sayote and Malunggay plus a special turmeric-flavored rice meal na Supa.
Abangan ang masayang umagang hatid ng Sarap, 'Di Ba? tuwing Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network at sa Kapuso stream sa Sarap, 'Di Ba? Facebook page at sa GMA Network YouTube channel. Mapapanood rin ang Sarap, 'Di Ba? sa Pinoy Hits Channel 6 na available sa GMA Affordabox at GMA Now.