GMA Logo ken chan and jake vargas
PHOTO SOURCE: @akosikenchan/ @jhake
What's on TV

Ken Chan, sinagot ang hindi pagkakaunawaan nila ni Jake Vargas

By Maine Aquino
Published April 28, 2023 11:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

ken chan and jake vargas


Totoo bang muntik nang magsapakan sina Ken Chan at Jake Vargas dahil sa isang babae? Alamin ang sagot ng una rito:

Diretsong inamin ni Ken Chan na ilang taon silang hindi nag-usap ni Jake Vargas dahil sa isang babae.

Inilahad ito ng Papa Mascot actor sa kaniyang pagsalang sa "Trip to the Hot Seat" segment ng Sarap, 'Di Ba?

Kuwento ni Jake, "'Yung incident that was 2014."

"Matagal na, nagkaayos na kami ni Jake noong nagkaroon kami ng teleserye na Ang Dalawang Ikaw. Doon lang kami nakapagusap nang maayos."

Nilinaw ni Ken na hindi totoong umabot sa pisikalan ang kanilang away ni Jake.

"Nang dahil sa babae?" Tanong ng Sarap, 'Di Ba? host na si Carmina Villarroel.

"Opo," nahihiyang sagot ni Ken.

Ken Chan and Jake Vargas

PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?

Kasunod nito ay inilahad ni Ken ang mga naganap sa kanila ni Jake, "Sila po kasi noon. 'Tapos, noong wala na sila, saka ako pumasok. Hindi ko po alam na may nararamdaman pa pala si Jake doon sa girl."

Pinili naman ni Ken na hindi na pangalanan kung sino ang babae.

Ayon pa kay Ken umabot ng pitong taon ang hindi nila pag-uusap ni Jake. Natuldukan lamang ito nang mag-sorry sila sa isa't isa.

Saad ng Sparkle actor, "Hindi kami nagpansinan ni Jake ng [matagal], seven years. Pero kapatid ko 'yun si Jake, e. Mas mahalaga sa akin 'yun kasi anak-anakan kami ni Kuya Germs [German Moreno]."

Dugtong pa ni Ken, "Nag-usap kami. Nag-usap kami ni Jake, sabi namin nag-sorry-han kami sa isa't isa and sabi namin mas mahalaga yung pagiging magkapatid namin. Ayos na ayos na kami ni Jake."

Balikan ang kuwentong ito ni Ken Chan:

SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA CAREER ACCOMPLISHMENTS NI KEN CHAN DITO: