GMA Logo Jopay Paguia and Sugar Mercado
PHOTO SOURCE: @jopaypaguiazamora
What's on TV

Jopay Paguia at Sugar Mercado, tinuldukan ang bullying issue sa Sexbomb Dancers

By Maine Aquino
Published May 22, 2023 1:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Firework-related injuries at 57; majority of victims aged 19 and below —DOH
Macacua seeks special session to pass Bangsamoro districting law
Marian Rivera's family is in designer outfits for their Christmas photoshoot

Article Inside Page


Showbiz News

Jopay Paguia and Sugar Mercado


Kumusta na nga ba ang pagkakaibigan ng Sexbomb Dancers?

Inamin ni Jopay Paguia na hindi totoong nabu-bully noon si Sugar Mercado kaya umalis siya ng grupong Sexbomb.

Magkasabay nilang tinuldukan ang issue na ito nang sumalang sila sa Trip to The Hotseat Segment ng Sarap, 'Di Ba?

Si Jopay ang napiling sumagot sa issue na ito. Tanong ni Carmina Villarroel kay Jopay, "Dumating ba sa point na binu-bully ninyo si Sugar kaya siya umalis ng Sexbomb. Yes or No?"

PHOTO SOURCE: sugarmercado7

"No... Hindi po kasi ako nangbu-bully." diretsong sagot ni Jopay.

Sagot naman ni Sugar, "Lahat sila mabait."

Ayon kay Jopay nagkataon lang na nagustuhan noon ang pagkabibo ni Sugar.

"Nagustuhan siya ng TVJ, ng buong Eat Bulaga kasi napakabibo niya. Nakita nilang may potential talaga si Sugar. Although lahat naman po kami mayroon pero iba kasi 'yung sabihin nating alindog ni Sugar that time. Baby talaga siya. Siya 'yung youngest. Sobrang minahal talaga siya."

Tinapos na rin ni Jopay ang naging usap-usapan noon na natanggal sila dahil kay Sugar.

Ani Jopay, "'Yung issue before na because of Sugar kaya kami natanggal, hindi po totoo 'yun. May ibang issue po talaga. Siguro nagkapatong-patong lang. In fairness, nakakaawa naman talaga siya that time kasi siya 'yung bina-bash. Kami naman hindi namin ma-explain dahil wala rin kaming boses para roon. Alam naman natin ang showbiz."

Hindi naman napigilan ni Sugar na maiyak nang balikan ang issue na ito.

Kuwento ni Sugar, "Hanggang ngayon po kasi 'pag nakikita ko 'yung picture ko, kunwari kasama ko sila, ako may galit pa rin na emoticon. Parang may apoy apoy."

Balikan ang kuwento nila dito:

SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA LARAWAN NG PAGKAKAIBIGAN NG SEXBOMB GIRLS: