What's on TV

Troy Montero, aminadong nakatanggap ng indecent proposals noon

By Jimboy Napoles
Published June 6, 2023 3:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NLEX deploys more security after slingshot rocks hit buses at Balagtas exit
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Troy Montero indecent proposal


Bukod sa isang babae, nakatanggap din ng indecent proposal noon si Troy Montero mula sa isang lalaki.

Inamin ng celebrity model na si Troy Montero na nakatanggap din siya noon ng indecent propoposals hindi lamang mula sa isang babae kung 'di pati na rin sa kapwa niya lalaki.

Sa “Trip To The Hotseat” segment ng Sarap, 'Di Ba? noong Sabado, June 3, sumalang sa isang hotseat interview si Troy.

“May natanggap ka bang indecent proposals noon?” tanong ng host ng programa na si Carmina Villarroel kay Troy.

“Meron,” sagot naman ni Troy.

“More than once nangyari?” sundot na tanong ni Carmina.

Ayon kay Troy, hindi lamang isang beses nangyari na nakatanggap siya ng indecent proposals.

“Yes, babae and lalaki. 'Yung isang proposal na sa babae, if I would donate for… 'yung bata? Gets mo?” ani Troy.

“Okay gets, sperm,” sagot ni Carmina.

Matapos ito muling nagtanong ang celebrity mom at host, “Tapos 'yung isang gay? Gusto niya maging together kayo, may relationship kayo or gusto niya ng hanky-panky?”

“I don't know pero I think hanky-panky,” pag-amin ni Troy.

Rebelasyon pa ng celebrity model, may mga lumabas na tsismis noon na may tinanggap siyang indecent proposal, pero kuwento niya, “I think 'yung tsismis na before… it wasn't me. It was another actor.”

Dahil dito, muling nagtanong si Carmina, “Pero wait lang, paano mo nalaman na 'yung isang aktor 'yun?”

“It involved a car… 'yung payment, ano, bagong kotse,” ani Troy.

Nagbigay naman ng komento ang asawa ni Troy na si Aubrey Miles sa mga rebelasyon ng kaniyang mister. Aniya, “Alam ko na meron pero hindi ko na tinanong.

June 9, 2022 lamang nang ikasal sina Troy at Aubrey pero mahigit 18 taon na silang magkarelasyon at nagsasama.

May dalawang anak na rin ang celebrity couple na sina Hunter Cody at Rocket. Si Aubrey naman ay may isa pang anak na si John Maurie, na anak niya sa dating boyfriend na si JP Obligacion.

SILIPIN ANG MASAYANG PAMILYA NINA TROY MONTERO AT AUBREY MILES SA GALLERY NA ITO: