
Sa unang pagkakataon ay nalaman ni Angelu de Leon na ang kanyang ina pala ay kinausap si Bobby Andrews noon na huwag ituloy ang panliligaw sa kanya.
Ito ay nalaman lamang ni Angelu sa taping ng Sarap, 'Di Ba? nang si Bobby ang sumalang sa segment na "Trip to the Hot Seat."
Tanong ng host na si Carmina Villarroel kay Bobby, "Totoo bang tinangka mong ligawan noon si Angelu, pero kinausap ka ng mommy niya kaya hindi mo itinuloy?"
Diretso naman sa pag-amin si Bobby na totoo ito. Ani Bobby, "Totoo. It was true."
Paliwanag ni Bobby, nagkausap pa sila ng mommy ni Angelu na si Mommy Flora sa loob ng sasakyan. "I talked to her mom. Kaming dalawa lang, actually sa car niya 'yun e."
Ibinahagi rin ni Bobby kung bakit ayaw ipatuloy ng ina ni Angelu ang panliligaw. Saad ni Bobby, ito raw ay para mag-concentrate muna ang aktres sa kanyang showbiz career.
"It was her mom who told me nga na 'Bobby, bata pa 'yung anak ko. She has a career so I wanted her to concentrate muna.'"
Bumida sina Angelu at Bobby sa teen-oriented program noong '90s na T.G.I.S. bilang Peachy at Wacks.
Dugtong pa ni Bobby sinunod niya ito bilang respeto. "Bilang isang ano, magbibigay respeto na rin sa mommy niya, that's why hindi ko itinuloy."
Ikinagulat naman ni Angelu ito dahil unang beses niya raw itong narinig mula kay Bobby.
Tanong ni Carmina, bakit hindi niya ito sinabi kay Angelu.
Sagot ni Bobby, "No need. I didn't want to cause baka magka-friction sila ng mom."
Panoorin ang rebelasyong ito sa Sarap, 'Di Ba?: