
Isang Sabado na puno ng tawanan ang napanood sa Sarap, 'Di Ba? dahil ipinakita ni Jak Roberto ang kaniyang viral dance moves sa segment na "Hugot mo, One Liner Ko."
Noong August 26, pinag-usapan sa Sarap, 'Di Ba? ang mga tanong ng netizens at ang mga one-liner tips ng mga guests. Bukod kay Jak, kasama rin nina Carmina Villarroel, Mavy at Cassy Legaspi sa araw na ito sina Bobby Andrews, Angelu de Leon, at Yasmien Kurdi.
Napanood sa episode na ito ang naging viral sa social media dance moves ni Jak dahil sa kaniyang anti-selos class na nagbigay sa kaniya ng pangalan na "Prof Jak."
RELATED GALLERY: Jak Roberto at kanyang mga estudyante sa 'Anti-Selos University'
Tanong sa mga guests, ano ang gagawin kapag ang jowa mo ay mahilig mag-like ng photos ng ibang babae, blinock ka ng kaibigan mo sa social media, at kung dapat bang maalarma sa ginagawa ng girlfriend ng pinsan mo?
Alamin ang mga sagot nina Carmina, Mavy, Cassy, Angelu, Bobby, at Yasmien tungkol sa mga ito at pati na rin ang mga hirit at moves ni Jak
SAMANTALA, NARITO ANG HOTTEST PHOTOS NI JAK: