
Maagang biritan, kulitan, at kainan ang mapapanood sa Sarap, 'Di Ba? ngayong October 21.
Sa Sabado, makakasama nina Carmina Villarroel, Mavy, at Cassy Legaspi ang Queendom divas na sina Hannah Precillas at Jessica Villarubin. Hindi rin papahuli sa Saturday morning bonding sina Tammy Brown at Krissy.
Mapapanood natin sa episode na ito ang kanilang singing challenges at masayang Queendom divas vs. divas of queerdom.
INSET: 37
IAT: Sarap, 'Di Ba?
Hindi lang kantahan ang dapat abangan dahil may kasama ring Kapuso hunk sa Sabado. Makikipagkulitan sa Sarap, 'Di Ba? si Prince Clemente.
Para sa masayang kainan, maghahanda naman sina Carmina, Cassy, at Mavy ng Pork Spareribs with Tofu and Tausi.
Abangan ang lahat ng ito at huwag kalimutang sumali sa Sarap Manalo Promo ng Sarap, 'Di Ba? sa Sabado, 10:00 a.m. Mapapanood din ang Sarap, 'Di Ba? online sa GMA Network at Adventure. Taste. Moments (ATM) YouTube channels at sa Sarap, 'Di Ba? Facebook page.