GMA Logo Carmina Villarroel and Pinky Amador in Sarap Di Ba
What's on TV

Carmina Villarroel, bibisitahin ng kaniyang katapat sa 'Sarap, 'Di Ba?'

By Maine Aquino
Published November 30, 2023 5:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel and Pinky Amador in Sarap Di Ba


Tutukan kung sino ang bibisita kay Carmina Villarroel sa 'Sarap, 'Di Ba?' ngayong December 2!

Isang exciting na episode ang mapapanood sa Sarap, 'Di Ba? dahil bibisita kay Carmina Villarroel ang kaniyang katapat sa Abot-Kamay na Pangarap na si Moira (Pinky Amador).

Sa episode na ito ay makakasama ni Lyneth (Carmina) sa Sarap, 'Di Ba? hindi lang si Moira kung hindi pati na rin si Dyosa (Wilma Doesnt).

Hindi lang masayang Saturday bonding ang kanilang pagsasamahan dahil may bukingan din na mapapanood sa "Trip to the Hotseat." Sa "Di Ba Teh Tarayan edition" naman ay haharap sa diskusyon sina Pinky at Wilma at makakasama pa nila ang Masculados.

May kitchen bonding pa na pagsasamahan sina Carmina, Pinky at Wilma sa Sarap, 'Di Ba? featuring ang isang masarap na holiday dish.

Maghanda na sa Saturday morning bonding na ito sa Sarap, 'Di Ba? at huwag kalimutang sumali sa Sarap Manalo Promo ng Sarap, 'Di Ba?

Mapapanood din ang Sarap, 'Di Ba? sa Kapuso Stream ng GMA Network at Adventure. Taste. Moments (ATM) YouTube channel.