GMA Logo Sarap Manalo Promo
What's on TV

Sarap Manalo Promo ng 'Sarap, 'Di Ba?' magbabalik ngayong February 17

By Maine Aquino
Published February 16, 2024 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Sarap Manalo Promo


Tumutok sa 'Sarap, 'Di Ba?' simula February 17 para sa pagkakataong manalo ng cash prize!

Magbabalik na ang Sarap Manalo Promo ng Sarap, 'Di Ba?

Simula February 17, tumutok sa Sarap, 'Di Ba? para sa weekend family bonding at pagkakataong manalo ng cash prize.

Para sumali, manood sa Sarap, 'Di Ba? tuwing Sabado 10:00 a.m. at sagutin ang mga tanong sa episode ng programa. Siguraduhing naka-register sa GMA Website:www.gmanetwork.com/SarapManaloPromo


Mayroong limang segments ang bawat episode, at pagtatapos ng bawat segment ay may isang tanong na dapat sagutin sa Sarap Manalo promo page. Kasama sa isa-submit sa Sarap Manalo page ay ang First Name, Last Name, Complete Address, Email, Mobile Number at Birthday.

Tandaan na ang maari lang sumali ay Filipino citizens na may edad 18 years old pataas.

Ang registered viewer na unang nag-submit ng tamang sagot ay mananalo PhP 1,000. Magkakaroon ng 5 winners ng PhP 1,000 per episode.

Para sa kabuuang detalye at mechanics ng Sarap Manalo Promo, bisitahin ang www.gmanetwork.com/SarapManaloPromo

Magsisimula ang promo sa February 17, 2024 hanggang June 8, 2024, per DTI Fair Trade Permit No. FTEB-186799 Series of 2024.