GMA Logo jo berry
PHOTO SOURCE: Sarap 'Di Ba?/ @thejoberry
What's on TV

Jo Berry remembers death of the men in her life

By Maine Aquino
Published April 22, 2024 12:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Protesters rally in Denmark and Greenland against Trump annexation threat
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

jo berry


Naharap sa pagsubok ang pamilya ni Jo Berry nang magkakasunod na pumanaw ang kaniyang ama, kuya, at lolo noong 2021.

Inalala ni Jo Berry ang pagsubok na hinarap ng kanilang pamilya dahil sa pagpanaw ng kaniyang ama, kuya, at lolo.

Sa kaniyang pagbisita sa Sarap, 'Di Ba? ibinahagi ni Jo ang nangyari sa kanilang pamilya noong 2021.

Kuwento ni Jo, "na-COVID po kaming lahat, nauna 'yung kuya ko, August 26; lolo ko, September 1; and then si papa, September 21."

PHOTO SOURCE: Sarap 'Di Ba?

Binalikan ng Sarap, 'Di Ba? ang tribute ni Jo sa death anniversary ng kaniyang ama na si Perry Berry Sr. Dito inamin ni Jo na hindi inaasahan ng kanilang pamilya ang pagpanaw ng ama.

Ani Jo, "Sobra po kasi 'yung pinagdaanan ng family namin noong 2021. Una nag-critical si mama. 'Tapos noong time na 'yun, okay pa si papa. Si papa pa 'yung nakakausap ko. Akala namin okay siya. 'Tapos noong huli, si mama 'yung naging okay, si papa yung nawala."

Kung may pagkakataon daw na makapagbigay ng mensahe si Jo sa ama, ito ang kaniyang sasabihin.

"Hindi ko nasabi na huwag na siyang mag-alala, ako na bahala kay mama. Sana narinig ni papa 'yun ngayon."

A post shared by Jo Berry (@thejoberry)

Ayon kay Jo, binilinan siya ng ama bago siya pumanaw na ituloy ang pag-arte sa Little Princess na kaniyang pinagbidahan noong 2022.

"Last na sinabi niya sa akin is ituloy ko 'yung laro ko. Kasi, I was supposed to go na sa lock in na ng Little Princess noong time na 'yun. Hindi pa ako maka-go kasi nasa ICU [Intensive Care Unit] pa siya. Nawala po si Papa, September 21, tapos 23 saka ako pumasok ng lock in. So doon ako nag-leave and 'yun po 'yung pinagpi-pray ko lagi kapag kinakausap ko sila kasi tatlo po silang nawala."

RELATED GALLERY: Jo Berry's most notable television roles

Itinanong naman ng Sarap, 'Di Ba? host na si Carmina Villarroel kung ano sa tingin ni Jo ang nararamdaman ng ama, kuya, at lolo niya na may bago siyang show na Lilet Matias: Attorney-At-Law?

Sagot ni Jo, "Ako po talaga I believe and I pray din na proud sila sa akin sa lahat ng decisions na ginawa ko noong iniwan na nila kami. Sa lahat ng ginagawa ko up until now. I hope na proud sila."