GMA Logo Geneva Cruz and Jeffrey Hidalgo
PHOTO SOURCE: @jepoyhidalgo
What's on TV

Geneva Cruz, inamin kung kailan nagka-crush kay Jeffrey Hidalgo

By Maine Aquino
Published July 22, 2024 12:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 pulis, patay; 2 iba pa, sugatan sa engkuwentro laban sa armadong grupo sa Candelaria, Quezon
Ashley Rivera sizzles as the 2026 calendar girl of a local whisky brand
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Geneva Cruz and Jeffrey Hidalgo


Saad ni Geneva Cruz noong nagka-crush kay Jeffrey Hidalgo: "May what if e."

Nagkuwento si Geneva Cruz ng kanilang magandang samahan ni Jeffrey Hidalgo at kanilang naging ligawan noon.

Sa kanilang pagbisita sa Sarap, 'Di Ba? ay sinagot ni Geneva ang tanong na, "Noong niligawan ka ni Jeffrey during Smokey Mountain days, bakit hindi mo siya sinagot?"

Ang Smokey Mountain ay ang Filipino singing group na binuo ng musical director and composer na si Ryan Cayabyab.

Ayon kay Geneva, noon ay parang kapatid ang turing niya kay Jeffrey.

"Kasi ako ang nagturo sa kaniya kung paano maging gentleman sa mga babae. So parang I felt like parang kapatid ganoon...Wala akong brother sa totoong buhay."

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Smokey Mountain members, where are they now?

Kung dati ay kapatid ang turing ni Geneva kay Jeffrey, may naging pagkakataon din na nagka-crush siya sa kaibigan.

Pag-amin ng singer-actress, "Until one time he was playing with my daughter, London. Kasi si Jeff magaling mag-swimming 'yan, triathlete 'yan. 'Yung anak ko mahilig mag-swimming sa dagat din so binabantayan niya. Pinapanood ko, hindi ko alam dahil alam niyo naman na 'yung mga mommies siguro na kapag may nakitang ganoong klaseng pangyayari na 'yung bestfriend mo at 'yung iyong anak na babae."

Geneva Cruz and Jeffrey Hidalgo

PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?

Dugtong ni Geneva, "She trusts tito Jeff tapos ninong niya pa. Parang somehow nag-plus 1000 points siya noong araw na 'yun. Parang nagka-crush ako noong time na 'yun. May what if e."

Sa huli, inilahad ni Geneva ang paniniwala niyang magiging mabuting magkaibigan pa rin sila ni Jeffrey kahit ano man ang mangyari.

"Kami naman ni Jeff, kung naging kami, bestfriends pa rin kami."

Panoorin ang pag-amin ni Geneva rito: