
Sama na sa exciting na Saturday morning bonding ng Sarap, 'Di Ba? ngayong September 28.
Mapapanood ngayong Sabado ang OG Regal Babies na sina Alma Moreno and Snooky Serna para sa bonding at chikahan with Sarap, 'Di Ba? host Carmina Villarroel-Legaspi.
Makakasali pa sa kulitan ang comedians na sina Pepita Curtis at Boobay. Sila ang makakasama sa acting with Snooky and dancing with Alma.
Kaabang-abang din ang episode na ito dahil bibisita ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes para pag-usapan ang kaniyag mga anak at hosting gig sa The Voice Kids.
Para sa Twinning and Trending, mapapanood sina Mavy at Cassy Legaspi sa dalawang viral food places. Ito ang Reben's Mami House and The Jelly Spaghetti Food Cart.
Huwag magpahuli sa Saturday morning bonding ng Sarap, 'Di Ba? ngayong Sabado (September 28), 10:30 a.m. sa GMA Network.
Mapapanood din ang Sarap, 'Di Ba? via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page ng GMA Network, Sarap, 'Di Ba? at Adventure. Taste. Moments.